Sunday, September 9, 2007

Lovelife...Love life =)

Part 1...
Well, part 1 kc alam kong may susunod pang kabanata 'to. Napansin ko lang kase na lately e ako yung hinihingan ng advice ng mga friends ko sa love probs nila (expert ba ko?e wala nga akong bf!haha). Pero ayoko na silang tanungin kung ano bang credibility ang meron saken at baka dumugo ilong nila pag nagkamali sila ng sagot hahaha.. Lage akong nakakareceive ng tanong na"Bkt gnun xa?gnwa q nmn lahat para sa knya?bkt nya q pnapahrapan?" Una sa lahat,wag kayong mangialam kung bakit ganyan ang pagkatype ko.Text message kc yan.Ang sagot ko lang naman e di naman nya gagawin yun sa yo kung d mo hinahayaan. Mejo hindi short cut ang text ko kc unli naman ako *wink*. Syempre hindi naman nya tatanggapin yung sagot ko ng ganung kasimple lang. Syempre eexpect kong sasabihin nya ay "E mahal ko e". Bakit ko alam?Syempre linya ko din yun dati wahaha... kaya ano nga bang credibility ko sa pag addvice? Pero minsan nananahimik ako at di ko sha nirereplyan dahil noo ko ang kumukunot kakaproblema ng problema nya. Ako yung nadedemoralize sa sakit na naabsorb ko dahil sa mga sinasabe nya at parang eksena sa pelikula na may nagflash back naman sa utak ko with background music na nobody wana see us together but it don't matter nah coz i got you e nakareceive ako ng text na "cge na jem reply ka naman,kaw lang mkakatulong saken"...ayos gnawa pa akong mapaghimalang rebulto.Pero since pinoproblema ko na din naman ang problema nya e nagreply na din ako...tutal 6 hours pa before mag expire unli ko hehe...So ako naman si bigay ng advice. Sabe ko sa kanya,"cge kung iinsist mo na mahal mo xa, e d magtiis ka muna pero lahat ng bagay may hangganan.." Kita nyo nman lage nauuwe sa hangganan yung saken hehehe..damayan lang 'to haha..Seriously(ang salitang lage kong naririnig sa Grey's Anatomy), di ko lam bakit ba ko nagtyatyaga mag advice kahit na alam kong sa huli hindi naman importante ang opinyon ko. Sa isang relasyon, mas mangingibabaw ang opinyon pa din ng magkarelasyon kesa ng ibang tao. Siguro hobby ko lang talaga maging jem d mango sa mga kaibigan ko.(at winiwish ko na darating ang araw na may paid advertisement na din sa section ko dito para pagkakitaan ko naman ang natatanging talino ko ehem....)Teka kung san san nako napunta. Sige na nga sa part 2 ko na lang ulit isheshare ang iba't ibang love probs na naencounter ko sa isang araw lang!Kumbaga e warm up pa lang 'to.

3 comments:

Umarred said...

Ang taray ng part na ito!hehe
Una sa lahat,wag kayong mangialam kung bakit ganyan ang pagkatype ko.Text message kc yan.

About this part:
Seriously(ang salitang lage kong naririnig sa Grey's Anatomy), di ko lam bakit ba ko nagtyatyaga mag advice kahit na alam kong sa huli hindi naman importante ang opinyon ko.

Seriously (I think this is from Men are from Mars, Women are from Venus), your girl friends probably just need someone to share their troubles with. They're not really looking for a solution; what they want is someone who will listen to their worries and concerns. And that someone is you. O di ba? They feel comfortable with you. =)

Which brings me to my point, Ate Jem, may problem kasi ako. There is this pretty girl who... hehe just kidding.

looking forward to Part 2! Go uste!!!

dyosa said...

Haha sineryoso yung blog ko..Mga jokes yang part 1=) syempre am honored(honored daw oh) na saken sila magshare*beautiful eyes* magtanong ka din baka masagot ko..may part 2 na=)

Umarred said...

Of course, sineryoso ko. Nakalagay dun "serously" eh.
May question ako.
My friends advice that I should always put my best foot forward during dates. Is this right? Jem, gusto ko serious talk ha? =)