Thursday, September 13, 2007

Lovelife...Love life=)

Part 2
Seryoso na 'to unlike nung part 1 na inatake na naman ako ng masamang ispiritu ng clown ko nung birthday ko nung 7 years old ako. Okay,game!Like sa ibang companies and websites,may FAQs din ako (sosyal!).

FAQs (syempre with my opinion na din para wala ka ng icclick na sampung link bago mo makuha ang sagot):

1. Paano ko sasabihin sa kanya yung feelings ko?
-di po ko eksperto sa panliligaw(aray!may bumatok saken) pero sige I'll try my best to answer this question. First of all, ano bang circumstances?Friends ba kayo ng girl or dinadaan daanan ka lang nya?May common friend ba kayo?Kung none of the above, e suicide na yan hehe.. Syempre loko lang. isa kang malaking langaw kung susundin mo nga ako *wink*. Una, if friends kayo,mahirap nga yan.may mga risks.Xempre una sa listahan ang friendship.Pangalawa,kung dinadaan daanan ka lang nya, mahirap din yan kase d mo lam ano unang sasabihin mo sa kanya.Third, kung may common friend kayo,ano pang hinihintay mo???Above all these, are you willing to take the risk?Kase kahit anong circumstance kung wala kang guts e di no glory :D pero wag ka naman maging presko na bigla na lang susulpot sa kanya at sasabhin na I LIKE YOU.

2. What if di nya ako gusto or ireject nya ako?
-Aba!pano mo malalaman kung di mo itatry? Magiging kabute ka ba pag nireject ka nya?That's the prob w/ guys ( am not saying naman na lahat). Laging playing safe. Most of the time, they are waiting for clues,signs or whatever before sila gumawa ng move.

3.May gf ako ngayon pero may iba akong gusto,may chance kaya na magustuhan ako ng gusto ko?
-Hmmm..hitting two birds in 1 stone? Well,sino ba talaga?si gf or yung bago mong gusto?What's the point of keeping your relationship w/ your gf if you're thinking of pursuing the other girl? You better settle your relationship first w/ your gf before you pursue the other girl.

3a.Malabo na kami ni gf,di ko na alam kung anong status namin.Gusto ko ng magmove on pero gusto ko ligawan si __ kaso natatakot ako na baka di nya ako tanggapin.
-I don't want to judge any guy for shifting from 1 girl to another. Kung anong reason behind it, so be it. Basta ang stand ko, if may nakahang ka pa na relationship, wag ka muna magpursue sa iba. No girl deserves to suffer from the shadow of your past. Di namin pinangarap na haunted kame lage ng ex nyo no! if I were you din,maganda ng honest ka sa gusto mong gurl kung anong meron ka ngayon.Meron ka mang bitter past or wala,it's her decision na kung ano tingin nya sayo,right? Di naman naten pwede icontrol ang mga bagay na ganyan.(uyy nagiging seryoso na ata ako)

4.Anong gagawin ko,like ko sya.Pag magkasama kame,parang kame,pero wala kaming commitment.
-Ouch. yun lang hehe...haay,how many sighs it would take before ko masagot ito...Well,common na din kase 'to ngayon..Playing safe...You do things together,holding hands,goddbye kiss,etc...pero no commitment.If you're the type of person na hindi ready sa mga ganyang bagay kahit na sabihin pa naten na like or love mo na yung tao, get out of that situation. Siguro sa una okay lang to give it a try but if days or months are passing by and you do the same thing,mag isip isp ka na. Ask yourself.Do I want this thing?Is it worth my time?Do I deserve this?Am i still happy?Ang saken lang, what stops the two people to have each other if ganun na yung status nila?!unless isa sa kanila e naglalaro lang...NEXT!!

5.Am I stupid because I let her/him hurt me?
-Masokista yata ang tawag sa gustong nasasaktan hindi katangahan... Of course, ibibigay nilang excuse eh MAHAL KO E..Fine...Minsan naisip ko ginagawa na lang excuse yung love sa stupidity ng isang tao.

6.Ginagago nya ko,ginagawa nya akong tanga...
-hinayaan mo kc gawin nya sa'yo yun.TAPOS!

7.Di ko lam up to what extent ko kayang magstay.
-ako rin di ko alam xempre ikaw yan e. kahit naman sabihin ko na get out of that situation alam ko naman matigas ang ulo mo na magsstay pa din. Choice mo pa din kung gusto mo pahirapan sarili mo or gusto mo ng mag move on. Hindi ko alam kung hihintayin mo pang kinukurot ka nya sa pisngi sa pamamagitan ng nail cutter befor mo maisipan na umalis na sa ganyang situation. if you've given your best, bakit ikaw yung magkakaron ng fear na baka pag sisihan mo pag umalis ka? Kung lahat na ginawa mo pati pag alis ng kalyo sa paa nya, aba turn nya na para xa naman gumawa ng move. Kung aalis ka na,tanggapin mo na lang kung hindi mo sya makitang nakasunod sayo.

7a.gusto ko syang gantihan..gusto kong magpakamatay
-'eto madalas kong naririnig.tnatanong pa nila ako bakit daw ako,di ko nagawang gumanti or bakit strong pa din ako despite ng sobrang sakit ng gnawa nila sa akin?Ang sagot ko lang naman, pag gumanti ba ako sino ba masisira?ako o sya?pag gumanti ba ako makukuha ko ba respeto nya o tuluyan syang lalayo saken?pag gumanti ba ako mababago ko ba yung sitwasyon?pag gumanti ba ako sigurado bang sya ang masasaktan o ako? Pag nagpakamatay ba ako,kaninong buhay ang nasayang?Pag nagpakamatay ako,kawawa nman ang mundo ilan na lang ang magaganda...ay mali!di pala kasama yun hehe baka makalusot lang. Pag nagpakamatay ako,sinong sinaktan ko?sarili ko,laman loob ko at syempre pamilya ko na kasama ko na mula noon hanggang ngayon?At pag nagpakamatay ako,sino bang matutuwa?yung insecure nyang gf?mashado yata mahal yung kapalit ng pagiging masaya nya kaya no way ;p

saka na ulit yung susunod dahil tapos na ang lunch break ko hehe...:D Eto lang ang past time ko sa office wihihi

1 comment:

Anonymous said...

binabato ba talaga sayo yang mga questions na yan o baka nagpaparamdam na lang yang mga yan! hahaha...